Hindi tulad ng mga Español, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng kalakalan ng mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Copany sa pananakop dahil mas malaki ang kanilang kikitain at naiiwasan pa nila ang pakikidigma sa mga katutubong pinuno. Subalit, kung kinakailangan, gumagamit din sila ng puwersa o dahas upang masakop ang isang lupain. Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng mga katutubong Indones. Lumiit ang kanilang kita at marami ang naghirap dahil hindi na sila ang direktang nakikipagkalakalan sa mga dayuhan.