B. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan? A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya C. Lahat ng mga sagot sa itaas D. Nagpapaunlad ng pamayanan. 7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga hala- mang ornamental maliban sa isa? A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya. C. Nagiging libangan ito na makabuluhan. D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke. 8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga halamang ornamental? A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang maruming hangin sa kapaligiran. B. Lahat ay tamang sagot C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran. D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at pagbaha.