Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang bawat pahayag ay isang katotohanan o opinyon. Isulat ang K kung ito ay isang katotohanan at O kung ito ay opinyon. 1. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talento at kakayahan. 2. Sa pagkakaalam ko, karamihan sa mga lalaki ay manloloko. 3. Ayon kay Padre Serrano, magkakaroon ng handaan mamayang gabi. 4. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa mga magulang. 5. Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas. 6. Lahat ng tao ay mamamatay. 7. Ang konsensya ay nakamamatay. 8. Sa pakiwari ko, si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito. 9. Ayon kay Santiago et al., 2000, ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga Pilipino. 10. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.