👤

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at MALI
naman kung hindi.
1. Sa ilalim ng pamahalaang kolonyal, nahati sa tatlong antas ang lipunang
kolonyal sa Pilipinas.
2. Sa lipunang kolonyal, ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan
sa lipunan.
3. Ang Peninsulares ay mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas.
4. Ang mga Insulares o creole ay mga Espanyol na isinilang sa Spain.
5. Kabilang sa pangkat ng principalia ang mga inapo ng mga datu at Maharlika,
mayayamang hacendero, o may-ari ng lupa, at ang mga pinuno at dating
pinuno ng pamahalaang lokal.
6. Ang pangkat ng inquilino ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga
panginoong maylupa
7. Ang pangkat ng karaniwang tao ay kinabibilangan ng mga hari at reyna, datu
at Maharlika, at mga opisyal ng pamahalaan.
8. Sa sinaunang panahon nagsilbing pinunong espirituwal ang kababaihan sa
katauhan ng mga katalonan at babaylan.
9. Sa pagdating ng mga Espanyol itinuring na haligi ng tahanan ang mga
kalalakihang may pamilya
10. Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol naging pangunahing gampanin ng
mga kababaihan ay pagiging ina sa kanilang mga anak at kabiyak sa asawa​