Sagot :
Answer:
• Ang nasyonalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong.
• Ang nasyonalismo ay naging mahalagang puwersang politikal at sosyal sa kasaysayan at naging impluwensiya sa naganap na Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdaig.
• Ang salitang nasyonalismo, mula sa German na nationalismus, ay nilikha ni Johann Gottfried Herder noong1770s.
• Pinaniniwalaang ang nasyonalismo ay isang pangyayaring kamakailan lamang naganap at nangangailangan ng mga kondisyong estruktural ng mga modernong lipunan.
• Ang mga pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang simbolo ng mga pagkakakilanlang pambansa ay itinuturing na mahalagang sagisag ng pagkakabuklod-buklod.