Panuto: Basahin nang malakas ang tula pagkatapos sagun ang mga katanungan sa ibaba.
Batang Pinoy
Dukha siyang (tinawag) ng lahat Talino'y subok at totoong matapat Sa ati'y (tumulong) kahit anong hirap 'Yan ang batang isang papuri'y nararapat Ating kilalanin bigyan ng palakpak Papuri't alay ay mabangong bulaklak Nararapat sa puso niyang busilak Buhay (inilaan) kahit mapahamak.
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Anong mensahe ang hatid sa atin ng tula?
3. Bakit dapat siyang alayan ng bulaklak?
4. Ibigay ang mga salitang may salungguhit. Sabihin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit?
5. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang may salungguhit.