1. Lagyan ng bilang 1-10 ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. _a.Ayon sa matanda, marami pang hirap na daranasin si Don Juan bago niya mahuli ang Ibong Adarna _b. Natuwa ang matanda sa ipinakitang kabutihan ni Don Juan kaya tinanong niya kung ano ang pakay nito sa pagtungo sa pook na iyon. _c. Hindi gumamit ng kabayo si Don Juan at sa halip, naglakad siya patungong bundok ng Tabor. _d. Sinabi rin niya sa matanda na tatlong taon nang nawawala ang dalawa niyang kapatid na naatasan ding maghanap sa Ibong Adarna. _e. Humingi ng permiso si Don Juan sa kanyang ama na siya naman ang maghahanap sa Ibong Adarna. _f. Ipinagtapat ni Don Juan sa matandang leproso na nakaratay sa karamdaman ang kanyang ama at ang tanging lunas dito ay ang pag-awit ng Ibong Adarna. _g. Sinabi ni Don Juan na kung hindi siya papayagang umalis ng kanyang ama ay mapipilitan din siyang umalis nang palihim _h. Itinuro ng matandang leproso kung saan matatagpuan ang tahanan ng Ibong Adarna at binilinan niya si Don Juan na mag-ingat at huwag basta paaakit sa magandang punungkahoy na kanyang makikita. _i.Natagpuan ni Don Juan ang isang matandang leproso na nilimusan niya ng isang tinapay. _j.Nagbaon ng limang tinapay si Don Juan at nanalangin siya s Birhen na patnubayan siya