👤

PAG TO NASAGUTAN MO DUO NA TAYO
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1
PANUTO: Tingnan ang mga larawan. Talakayin ito sa pamamagitan ng isang maikling
sanaysay.


PAG TO NASAGUTAN MO DUO NA TAYOGAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1PANUTO Tingnan Ang Mga Larawan Talakayin Ito Sa Pamamagitan Ng Isang Maiklingsanaysay class=

Sagot :

Answer:

Ipinapahayag ng mga larawang ito ang kagustuhan ng mga Pilipino na maibalik ang Demokrasya sa pamamagitan ng pagbaba ni Pangulong Ferdinand Marcos. Nang matapos ang 1986 Philippine Presidential Snap Elections, magkaiba ang lumabas na resulta sa bilangan ng COMELEC, na sinasabing si Marcos ang nanalo, at ng NAMFREL, na sinasabing si Aquino naman ang nanalo. Dahil narin sa kagustuhan ng mga Pilipino na maibalik ang demokrasya, kanilang ibinoto ang biyuda ni Ninoy Aquino, na si Corazon Aquino. Ngunit dahil ang resulta ng COMELEC ang pinaniwalaan ng pamahalaang Marcos, nag-aklas ang mga Pilipino sa EDSA, na siya na namang kilala ngayon bilang EDSA People Power Revolution. Tumagal ito mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25, ng 1986. Naging resulta nito ang pagpapatalsik sa Diktador na si Marcos na ipinatapon sa Hawaii l, at ang pag akyat sa pwesto ni Corazon Aquino.