👤

A. Basahin at unawain ang balita.
DAVAO CITY - Hindi nagdalawang-isip ang isang 23-anyos na drayber na
ibigay sa mga awtoridad ang naiwang bag sa loob ng kanyang minamanehong
taxi, Miyerkoles ng gabi.
Ayon sa tsuper na si Cahar Borcay, nakita niya ang bag sa likod ng sasakyan
pero hindi niya alam kung kanino ito isasauli dahil wala itong lamang ID o
pagkakakilanlan. Ang ginawa ng tapat na drayber, dinala niya sa Sta. Ana Police
Station ang bag na sa tingin niya ay naiwan ng pasaherong sumakay sa airport.
Nang suriin naman ng mga pulis ang g bag, puro gamit pang-eskwela ang
nasa loob nito. Ipinagmalaki naman ng mga police ang drayber dahil sa katapatan
at magandang kalooban nito.
Ayon kay Inspector Alfred Rubrico, hepe ng Sta. Ana Police, may halaga
man o wala ang isang bagay, kung hindi sa iyo ay dapat ibalik talaga sa may-ari
.
Umaasa si Rubrico na magiging mabuting halimbawa sa iba pang mga taxi driver
ang ginawa ni Borcay.
Samantala, inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng bag.
Source:https://news.abs-cbn.com/news/06/15/17/tapat-na-taxi-driver-nagsauli-ng-bag-sa-davao
1. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng may-ari ng bag na naiwan sa taxi?
2. Paano ipinakita ng drayber ang panindigan sa kabutihan?
3. Ano sa palagay mo ang epekto ng ginawa ng drayber sa kanyang sarili?

ayos po na sagot ha kasi magrereport ako paghindi maayos ang sagot kailangan ko po ngayon ito​