I. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang titik "K" kung ang sitwasyon ay naglalarawan ng karahasan at "D" kung nagpapahayag ng diskriminasyon.
_____1. Ang sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao kahit labag sa kalooban. _____2. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera at kung saan ka pupunta. _____3. Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa kasarian o pananaw para sa babae at lalaki. _____4. Ang babae ay itinuturing na mahina, walang silibi sa lipunan at sa bahay noong unang panahon. _____5. Ang pagsusubaybay sa bawat kilos ng isang tao sa pamamagitan ng social media.