D- kung ito ay dahilan, P- kung ito ay paraan at E- kung ito ay epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya. _____ 1. Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan. _____ 2. Niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo. _____ 3. Pagpapalawak ng teritoryo at pagkuha ng likas na yaman. _____ 4. Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng Maynila. _____ 5. Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan. _____ 6. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop. _____ 7. Sapilitang pagkontrol (monopoly) inuna ng mga Asyano ang pagtatanim kaysa kumain. _____ 8. Divide and Rule Policy ay kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno. _____ 9. Paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. _____ 10. Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa silangang Asya dahil sa matatag na pamahalaan at hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.