👤

PANG-URI AT PANG-ABAY... GAMITIN NANG
WASTO
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang
sagot ayon sa hinihingi ng bawat tanong.
1.
ang araw na namamasdan ng mga namamasyal sa
Manila Bay. Ano ang angkop na pariralang pang-abay ang dapat
ipupuno sa patlang?
A. maliksing bumababa
C. magilas na tumitirik
B. dahan-dahang lumulubog D. maliwanag na lumalayo
2. Maliksi ang mga mag-aaral patungo sa plasa. Alin ang salitang
panlarawan sa pahayag?
A. mag-aaral B. patungo C. maliksi D. plasa
3. Tahimik na nakikinig sina Stephen at Steffanie kay Anne habang
ipinapaliwanag kung paano maiiwasan ang lumalaganap na virus.
Paano ginamit sa pangungusap ang salitang may salungguhit?
A. pang-abay B. pang-uri C. pantukoy D. pandiwa
4. Si Sheena ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong
pambata. Paano ginamit sa pangungusap ang salitang may
salungguhit?
A. pang-abay B. pantukoy C. pandiwa D. pang-uri
5. Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Rolly sa Saudi Arabia.
Paano ginamit sa pangungusap ang salitang may salungguhit?
A. pang-abay B.pang-uri C. pantukoy D. pandiwa​