👤

20
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pangungusap sa
ibaba. Isulat kung ano ang iyong
ang iyong mga gagawin sa mga
sitwasyong nabanggit
1. May sakit ang iyong nanay pero gusto mo sanang manood ng TV. Ano
ang gagawin mo?
2. Hinihikayat ka ng mga kaibigan mo na huwag isali sa laro ninyo ang
kapitbahay ninyong may kapansanan. Ano ang gagawin mo?
3. Napapansin mo na laging ikaw na lamang ang tinatawag ng iyong
teacher para mag-recite. Alam mo na gusto rin ng iba mong kaklase
ang mag-recite. Ano ang gagawin mo?
4. Alam mo na sa tuwing nakakakita ka ng may kapansanan ay dapat
nagbibigaydaan upang sila ang mauna sa pilahan. Ngunit ang isa mong
kaklase ay ayaw pumayag dahil nauna raw siya sa pila sa canteen. Ano
ang gagawim mo?
5. Madalas kinukutya ang isa mong kaibigan na Acta ng iba mo pang
kaibigan. Alam mong hindi ito mabuti. Ano ang gagawin mo?​


Sagot :

Answer:
1. Babantayan ko ang aking nanay dahil mas importante sya kaysa sa panonood ng TV.
2. Hindi ako susunod sa kanila dahil alam kong mali ito
3. Bibigyan ko ng pagkakataon ang iba kong kaklase na makasagot sa aking guro sa abot ng aking makakaya
4. Ipapaliwanag ko sa aking kaklase kung bakit nya dapat paunahin ang may kapansanan upang sya pumayag na paunahin ito.
5. Sasabihin ko sa kanila na masama ang ginagawa nila, ipaliliwanag ko na nakasasakit sila ng damdamin ng ibang tao ng sa ganon ay itigil na nila ang pangungutya kay acta at sa iba.