👤

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ikaw ay Sang-ayon dahil ito ay gawaing sumusunod sa pamantayan o Hindi Sang-ayon kung ang isinasaad ng pangungusap ay maling gawi sa paggawa. _____________1. Ang proyektong ginawa ay pwede nang ipasa kahit mayroon pang kulang ito. _____________2. Nararapat lamang na pagbutihan at ayusin ang ginagawa upang maipagmalaki ito._____________3. Ang isang proyektong maganda at may kalidad ay pinaglalaanan ng oras at panahon. _____________4. Dapat sundin ang mga pamantayan sa paggawa upang lumabas na may kalidad ang ginawa. _____________5. Mas mabuting magtanong sa mga nakakaalam, kaysa magdunong-dunungan sa gawain na hindi alam na kung saan hindi magand ang kinalabasan ng proyekto.