Answer:
Makikita sa larawan ang mga pagbabagong naganap mula nang lumaganap ang bayrus (Covid-19) sa buong mundo. Maraming tao ang nawalan ng trabaho at naghirap. Maraming tao ang nag-aadjust sa mga pagbabagong ito mula sa pagsunod sa health protocols na inilunsad ng pamahalaan hanggang sa pagkakaroon ng 'new normal' sa learning system ng mga paaralan, trabaho at pati sa loob ng tahanan.
Ang lahat ay inaasahang sumunod sa health protocols upang mapanatiling ligtas ang bawat isa. Bilang isang mag-aaral, ang maaari kong gawin upang makatulong sa pagsugpo sa Covid-19 ay ang manatili sa loob ng tahanan at sundin ang health protocols na inilunsad ng pamahalaan. Sa pagsunod sa health protocols na ito, maiiwasan ang pagdami ng mga taong nahahawaan ng virus na maaaring humantong sa patuloy na pagkawala ng virus na ito.
Maraming mamamayan ang naapektuhan ng virus na ito. Mula sa trabaho, pag-aaral at pati na rin sa relasyon ng mga tao sa isa't isa. Ang face to face class ay naging blended learning. Ang ilan sa sistemang maaaring pagpilian ay modular at online. Para sa akin, mas pipiliin kong face to face nalang ang sistema ng pagtuturo dahil talagang nakakapagod ang mag-aral online o modular. Mas maiintindihan ko ang lessons sa regular class. Bilang anak, hindi na ako masyadong nakalalabas at nakakapaglaro o nakakapasyal sa labas ng bahay. Lagi na lamang akong nasa loob at gumagawa ng takdang aralin at tumutulong sa gawaing bahay. Napakalaki ng epekto ng pandemyang ito sa aking buhay at namimiss ko na ang dating 'normal' na buhay ng lahat ng tao.
Sa ngayon, ang aksyon na isinasagawa ng ibang bansa ay paggawa ng bakuna at pagbabahagi nito sa karatig na bansa upang tulungang maprotektahan ang mga mamamayan mula sa virus.