malaki sulat ang TAMA kung tama ang sinasabi sa pangungusap at salitang MALI kung mali.. Isulat ang sagot sa patlang bag pang bilang. 1. Naging maayos ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa ikalawa niyang termino. 2. Maraming suiraning kinaharap ang bansa at dahil ditto marami ang tumuligsa sa nangyayaring katiwalian. 3. Hindi na nasiyahan ang mga mamamayan dahil sa malimit ang insidente ng krimen, naging mabilis ang pagtaas ng bilihin at lumala ang kahirapan. 4. Malaki pa rin ang tiwala ng mga tao sa pamamalakad ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang Ikalawang termino 5. Ang mga estudyante ay lumahok din sa mga demonstrasyon at walang tigil ang pagwewelga ng mga manggagawa o pagra rally sa iba't ibang sector 6. Dahil sa pangyayaring ito, idiniklara ni Pangulong Marcps ang Proklamasyon No. 1081 ng pagsasailalim ng buong bansa sa Batas Militar o Martial Law 7. Ang Martial Law ay isang uri ng pamahaaan na nababatay sa batas militar at katulong sa pamamalakad ng bansa ni Pangulong Marcos ang mga sundalo 8. Sinuspinde ang Saligang Batas at nawalan ng bisa Wirit of Habeas Corpus 9. Pinayagan ng Pangulong Marcos ang mga demonstrasyon o anumang uri ng pagpapahayag ng karaingan at pagbabatikos sa pamahalaan. 10. Ipinaaresto ang lahat ng bumatikos sa pamahalaan tulad nina Senador Benigno Aquino Jr., Jose Diokno, Francisco Rodrigo at iba pa