Sagot :
Ang seksuwalidad na pantao o seksuwalidad ng tao ay ang paraan ng isang tao kung paano siya naaakit sa iba pang mga tao. Ang maaari nilang maramdaman ay maaaring heteroseksuwal (naaakit sa katapat o kasalungat na kasarian), homoseksuwal (naaakit sa kaparehong kasarian), o kaya biseksuwal (naaakit sa kapwa mga kasarian). Ito ang kakayahan ng mga tao na magkaroon ng mga karanasan at mga pagtugong erotiko.[1] Maaari rin itong tumukoy sa paraan ng pagkaakit ng isang tao sa iba pang tao, na bukod sa pagkaakit sa may katulad na kasarian o sa dalawang kasarian, ay maaari ring sa lahat ng mga katauhang pangkasarian (panseksuwalidad), o kaya ay hindi maakit kaninuman sa paraang seksuwal (aseksuwalidad).[2] Ang seksuwalidad ng tao ay nakakaapekto sa pangkalinangan, pampolitika, pambatas, at pampilosopiyang mga aspeto ng buhay. Maaari itong tumukoy sa mga paksa ng moralidad, etika, teolohiya, espirituwalidad, o pananampalataya. Subalit, hindi ito tuwirang nakatali sa kasarian.