Sagot :
Maraming dahilan nng
pagkakaroon nito. Ito ay naipapasa,
naida-download o na-install pa nga.
Isa na dito ay ang
paghihiraman ng mga storage devices
tulad ng USB at gagamitin ito sa marami
at ibat-ibang computer units.
Ang ikalawang paraan
ay ang pagbisita sa mga site na may mga
kompromisong laman tulad ng mga porn
site, pirated software site, o mga hacking
site na ginagamit ng mga
mapanlinlang at rebelyosong mga
indibidual.
Ang ikatlong paraan ay
ang pag-iinstall ng mga programs na
hindi alam ang pinag-mulan, mga pirated
software, mga adware, at mga programs
na nag-uunlock ng mga serial keys o
mga
activation codes. Ang mga ito ay mga
software na kompromiso. Maaaring
makatulong nga pero may dalang pinsala
na lingid sa kaalaman ng isa na
gumagamit.
Ang ikaapat at
epektibong paraan ngayon ay ang
pagtanggap at pagbubukas ng mga
mapang-akit na email. Ang buong akala
mo ay may magandang balita
pero isang trojan pala na ang layunin ay
sirain o ikompromiso ka sa isang
kasunduan.