Sagot :
Answer:
Magkakaroon ako ng kasanayan sa pangunang lunas sa pamamagitan ng paghahanap ng mga trainings na nagtuturo tungkol sa paglalapat ng pangunang lunas sa pasyente. Pagkatapos, ay aktibo akong makikilahok sa mga gawain at bibigyan ng pagpapahalaga ang lahat ng sinasabi ng nagtuturo nito sapagkat alam ko na malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa aking sarili kundi na rin sa mga taong nakapaligid sa akin na maaaring mangailangan ng tulong sa oras ng pangangailangan. Kung kaya't bilang isang mag-aaral na nag-aaral ng kasanayan sa pangunang lunas isasabuhay ko ang lahat ng aking mga natutunan at hindi ipagsasawalang bahala ang mga payo na ibinibigay ng guro upang mas maging mahusay ako at magkaroon ng tunay na kapakinabangan ang aking pinag-aralan hindi lamang para sa sarili kundi sa mga taong malapit sa akin at sa ibang tao na nakapaligid sa lipunang aking ginagalawan.
Explanation:
Ayan po ung sagot ko pabrainliest po kung tama ^_^