Sagot :
Answer:
Basilio:
Nilikha ni Rizal si Basilio bilang isa sa mga tauhan ng El Filibusterismo upang ipakita na sa kabila ng karunungan ang tao ay maaaring maging isang bilanggo at mawalan ng kapangyarihan.
Kilala si Basilio sa El Filibusterismo bilang isang matalinong mag – aaral ng Medisina. Isa siyang masipag at matalinong binata kaya naman mas pinili niya ang maging alila ni kapitan Tiyago kapalit ng pagkakataon na makapag – aral at maabot ang kanyang pangarap na maging isang doktor. Kaya lamang tulad ng maraming kabataang mag – aaral, si Basilio ay sinubok ng mga pagkakataon. Una, ang maagang pagkamatay ng kanyang inang si Sisa na hindi na matutunghayan ang kanyang pagtatapos. Nakulong siya sa kasalanang paghihimagsik at walang sinuman ang nais na tumulong sapagkat siya ay mahirap at hindi naiimpluwensyahan ninuman. Namatay din ang kanyang kasintahang si Huli sa kagustuhan na matubos siya mula sa piitan. Pinagsamantalahan ito at nagpatiwakal.
Ang pagkakabilanggo ni Basilio sa El Filibusterismo ay pagpapakita ng katotohanan na may malaking pagkakaiba ang estado ng pamumuhay ng mahirap at mayaman. Dahil isa siyang dukha ay hindi niya magawang ipagtanggol ang kanyang sarili at palayain ito mula sa piitan kahit pa anong linis ng kanyang konsensya at anong tapat sa pagsasabi na wala siyang kinalaman sa paghihimagsik. Ang mahirap ay sadyang walang kapangyarihan noong panahon ni Dr. Jose Rizal. Ang propesyon ni Basilio na lamang sana ang susi para maiahon niya ang sarili ngunit maging ito ay ipinagkait sa kanya. Ngunit nanatiling mahinahon si Basilio. Sa kabila ng lahat ng kanyang mga paghihirap ay hindi sumagi sa isip niya n maghiganti lalo pa nga kung alam niyang maaaring madamay ang mga buhay ng mga inosenteng tao. Ganito kabuti ang katauhan na nais ipakita ni Rizal na katangian ng mga Pilipino. Tulad ng kanyang katangian na sa kabila ng pag – uusig ay nanatiling mapagkumababa at hindi mapanghimagsik.
Keywords: Basilio, El Filibusterismo tauhan
Ang Katangian ni Basilio: brainly.ph/question/2145678