👤

pa answer po pls.. meed na po now sorry po sa istrubro​

Pa Answer Po Pls Meed Na Po Now Sorry Po Sa Istrubro class=

Sagot :

Answer:

5.maging matalino

6.maging magalng sa pananalita

7.maging masipag

Answer:

5. Sa isip

- Para saking opinyon, mahalaga na magamit natin ang ating isip sa tamang paraan bakit? Dahil masasayang lamang ang ating oras kung walang kabuluhan naman ang na isip natin. Maradapat lamang na mas palaguin pa lalo natin ang ating kaisipan na makatuklas ng bagong Kaalaman na alam natin na makakatulong upang mahasa pa natin ang aking isipan at ganon din sa iba

6. Sa salita

- Kung magbibitaw tayo ng salita ay dapat alam natin na sigurado tayo na gagawin at tuparin ito, dahil kung hindi natin magagawa ito ay maaari Tayong makasakit ng damdamin ng iba kung hindi natin natupad ang pangako na inaasahan nila na magagawa natin. At para sakin mahalaga na dapat ay maingat tayo sa pagbibitaw ng salita dahil maaari na makasakit ito sa iba, marapat lamang na mag salita tayo ng magalang.

7. Sa kilos

- kung magsasagawa tayo ng isang kilos ay dapat ay sigurado tayo na makakabuti ito para sa kaligtasan natin, dahil konting mali lamang ay maaring masaktan natin ang ating sarili at ganun din sa iba. Matuto tayo na kumilos ng maayos at karapat-dapat dahil mahirap na na sa huli natin pag-sisihan.

8. Magbahagi ng karanasan tungkol sa a paninindigan sa kabutihan laban sa hindi karapat-dapat.

- Nung nakaraang taon na wala pang pandemya at face to face pa sa eskwelahan ay may kaklase ako na hindi alam na may pagsusulat kami sa subject na Filipino, wala na siyang oras na mag aral kaya nag tanong siya sakin kung na kapag-aral daw ba ako, sinagot ko siya ng oo, pero bigla niya na lamang sinabi na kokopya na lang siya sakin, ako naman ay nag dalawang isip ngunit bandang huli ay hindi ako pumayag at sinabi ko na mas mabuti kung mag sarili na lamang siyang sumagot dahil ito ang marapat gawin at para matuto din siyang iresulba ang kaniya g suliranin. Tanging aral ay mas mabuti nang panindigan mo ang kabutihan kesa sa hindi karapat - dapat.

9. Paano ka nakikpag-usap sa Diyos?

- Sa pamamagitan ng pag-dadasal, umihingi din ako ng kapatawaran sa mga kasalanang nagagawa ko araw-araw. Dahil sa pakikipag-usap ko Sakaniya ay nakapagnilay-nilay ang aking kaisipan at aking pagkatao kung ano ang marapat kong gawin sa susunod na araw nagigising ako at dahil ito Sakaniya.

10. Bilang isang kabataan paano mo hikayatinang mga kapwa mo bata a naliligaw ng landas?

- Una ay babahagian ko sila ng Kaalaman ko kung paano manalig sa Diyos dahil isa ito sa rason kung bakit sila naligaw ng landas ibig sabihin ay hindi matibay ang relasyon nila sa Diyos, mahalaga na bago tayo tumulong sa iba ay maibahagi natin sa kanila kung gaano tayo ka mahal ng Diyos. Pangalawa ay sasabihin ko sa kanilang lahat kung gaano nga ba ka ganda ang buhay at hindi pa huli ang lahat para mag bagong buhay sila at itama ang mga pagkakamali nagawa nila dahil alam ko na kahit paulit-ulit man tayo Madapa ay laging may Diyos na handa Tayong alalayan sa muli nating pagbangon.

P. S. Sana makatulong : )