Sagot :
Answer:
FILIPINO
Pang-angkop
Idinudugtong sa dalawang salita upang
maging madali ang pag bigkas ng mga ito.
Napakaraming pang gramatikang salita sa wikang Filipino, ngunit upang hindi tayo mahirapan ay magsisimula muna tayo sa medyo madaling matutunan na pang gramatikang anyo. At ito ay ang PANG-ANGKOP.
PANG-ANGKOP
Ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika.
Ang pang-angkop ay mayroon ding tatlong uri ng pang-angkop at ito ay ang mga katagang
"na", "ng" at "g".
Pang-angkop na "NA"- nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N.
Halimbawa:
Tumalon si Anna sa malalim na bangin dahil sa kilig.
Mataas na tao ang aking katabi.
Feel na feel ni Elsa ang kanyang magandang buhok.
Pang- angkop na "NG"- isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa patinig o vowel (a.e.i.o.u).