Sagot :
Answer:
Ang pambansang ekonomiya
1. ANG PAMBANSANG EKONOMIYA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA IBA’T-IBANG MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA
2. MAKROEKONOMIKS (MACROECONOMICS) Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya (pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon at antas ng presyo. Gumagamit ng modelo sa pagsusuri ang makroekonomiks.
3. MODELO Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Ang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng interdependence ng lahat ng actor sa isang ekonomiya. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad.
4. MGA KATANUNGAN NA BINIBIGYAN KASAGUTAN NG MAKROEKONOMIKS: Ano ang kayarian ng pambansang ekonomiya? Ang pambansang ekonomiya ba ay simple lamang? Ito ba ay nakatutok sa paggalaw ng komplikadong ugnayan ng mga sektor? Ito ba ay tumututok lamang sa panloob na kaganapan? Isinama rin ba nito ang panlabas na kaganapan?
5. MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA Unang Modelo : Simpleng Ekonomiya Ikalawang Modelo : Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng Tapos na Produkto at Salik sa Produksyon Ikatlong Modelo : Pamilihang Pinansyal : Pag-iimpok (Savings) at Pamumuhunan (Investments) Ikaapat na Modelo : Ang Pamahalaan at Pamilihan ng Pinansyal, Salik ng Produksyon, Kalakal at Paglilingkod Ikalimang Modelo : Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakalang Panlabas
6. UNANG MODELO : SIMPLENG EKONOMIYA Pangunahing aktor : Sambahayan – kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Bahay-kalakal – tagalikha ng produkto. Ang sambahayan at bahay- kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan
7. IKALAWANG MODELO : ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON Ang pag-iral ng sistemang pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon dito. Pangunahing sektor : Sambahayan at Bahay-kalakal Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal Dalawang uri ng Pamilihan : Pamilihan ng mga salik ng produksyon o factor markets (capital, lupa, paggawa) ; Tapos na produkto o commodity (good markets o commodity markets)
8. IKALAWANG MODELO : ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON Ipinagpalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya – sambahayan at bahay- kalakal. Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto ngunit kailangan na bumili o umupa ng mga salik ng produksyon. Tanging ang sambahayan ang may suplay ng mga salik ng produksyon. Makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksyon.
9. IKALAWANG MODELO : ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON Kapital (magbayad ng interes) ; paggawa (pasahod); entreprenyur (kita) – kita ng sambahayan Interes, pasahod, kita [sambahayan] : gastusin ng produksyon [bahay-kalakal] Sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod, bibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa kanyang pangangailangan at kagustuhan. Kitang natanggap ng sambahayan = pambili ng produkto : Paggastos sa pagbili ng produkto [sambahayan] Gastos ng sambahayan = kita ng bahay- kalakal. Interdependence : umaasa sa isa’t-isa para matugunan ang pangangailangan
10. IKATLONG MODELO : PAMILIHANG PINANSYAL : PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS) PANGUNAHING SEKTOR : Sambahayan at Bahay-Kalakal Isinasa-alang-alang ng sambahayan at bahay- kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili. Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Pamimilili at paglikha ng produkto, pag- iimpok (savings) at pamumuhunan (investments) – nagiging mahalagang gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap sa pamilihang pinansiyal (financial market)
Explanation:
Sana makatulong:)))