Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang {T} kung ang pahayag ay wasto at {M} kung ang pahayag ay mali.
21. Ang Pag-aalsang Agraryo ay nakilala sa kasaysayan. Ito ay pagkilos upang tubusin ang lupang pamana ng mga ninuno o ancestral domain.
22. Maituturing na isa sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon ay ang pag-aalsa ni Hermano Pule na naganap noong Hunyo 1840 hanggang Nobyembre 1841.
23. Itinatag ni Hermano Pule ang Confradia de San Jose.
24. Ang pag-aalsa ni Lapu-Lapu, hari ng Mactan, laban kay Ferdinand Magellan ang kauna-unahang naitalang pagpapakita ng pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol.
25. Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo, maraming Filipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala.