B. Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot na bubuo sa pinapahayag na diwa ng pangungusap. Pilin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang
Pantasya Pelikula Katatakutan Komedya Epiko
Ang 1._________ ay kilala rin bilang sine at pinilakang tabing na may sariling wika at nagpapakita kung ano ang pamumuhay, ideya at imahinasyon mayroon ang mga Pilipino. 2.________ ang pelikulang ito ay gawa nang malikot na imahinasyon maaaring haka-haka lamang at malayo sa katotohanan. 3._______ ang pelikulang ito ay mga panood na hatid ay katatawanan at nagbibigay ng magaan na pakiramdam sa mga taong manonood. 4.______ ang pelikulang ito ay tungkol sa kababalaghan o katatakutan na maaaring maghatid nang kakatakutan sa manonood. 5. ang pelikulang ito naman ay patungkol sa mga kaganapan o pangyayari na mahiwaga, maalamat at makasaysayan.