Panuto: Piliin sa Hanay B ang tamang sagot sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa kuwaderno.
Hanay A.
1. Ang mga taong may mataas na interes ditto ay mailalarawan bilang Malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan.
2. Ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular, at responsible.
3.Ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon.
4. Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya rito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham.
5. Ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes ditto ay naghahanap ng mga panuntunan at direksiyon; kumikilos sila ng ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila.
6. Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinse ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals.
7. Lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
8. Nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal, at biyolohikong functions.
9. Humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatas sa kanya.
10. Nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod, at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.
Hanay B.
A. People skills B. Artistic C. Enterprising D. Data skills E. Investigative F. Social G. Idea skills H. Things skills 1. Hilig J. Conventional K. Realistic