B. Panuto: Lagyan ng tsek (™) kung ang nakasalungguhit na pangalan ay mamamayang Pilipino at ekis (*) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Si Kapitan Pablo ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang sumiklab ang labanan ng Abu Sayaf at militar, siya ay tumakas kasama ang kaniyang pamilya. 2. Si Jasper ay ariak ng isang Igorot at isang Ilokana. Naninirahan sila sa Maynila. 3. Isang Amerikano si Einstein at nagpatayo ng negosyo sa Pilipinas. Limang taon na siyang naninirahan sa bansa. 4. Tuwing Mahal na Araw, si Adam ay nagbabakasyon sa Pilipinas. 5. Si Owen ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina ay Italiano. 6. Ang Amerikanong sundalo na si Edward ay naipadala sa Pilipinas upang tumulong sa mga sundalong Pilipino sa pakikipaglaban sa Mindanao. 7. Ang batang si Roger ay ipinanganak sa bansang Hapon. Pagkalipas ng tatlong taon, pinili ng kanyang mga magulang na manirahan sa Pilipinas. 8. Parehong Pilipino ang mga magulang ni Kenneth. Sila ay nagbabakasyon sa Singapore tuwing bakasyon. 9. Isang Koreano si Ryan Bang. Siya ay isang artista na dito sa Pilipinas at patuloy na naninirahan sa bansa sa loob ng pitong taon. 10. Si Raulene ay anak ng mag-asawang Cebuano.