Gawain 2 A. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung ang pangungusap ay payak, tambalan, hugnayan. 1. Matagumpay ang pagkuha ng pagsusulit ng mga mag-aaral. 2. Ang tatay ay nagtatrabaho sa opisina at ang nanay ay nagtitinda sa palengke 3. Ang tubig ay napakahalaga kaya't matuto tayong magtipid. 4. Araw-araw ay nagdarasal ang pamilya San Jose. 5. Uuwi na ba tayo o makikipagkuwentuhan pa rito? 6. Ang mga mag-aaral ay nakikiisa sa proyekto ng paaralan at nagtutulong-tulong sa pagpapalaganap nito. 7. Magkakaroon ng face to face sa paaralan kapag mayroon na tayong gamot panlunas sa COVID-19. 8. Pagkakatiwalaan ka ng iyong kapwa kapag nagsasabi tayo nang tapat. 9. Tinatawag na mga pangkalahatang sanggunian ang diksyunaryo at ensayklopedya. 10. Ang pagdaraos ng pista ay isang tradisyon ng Pilipino.