Answer:
Mga Halimbawa Ng Denotatibo At Konotatibo Na Mga Salita
DENOTATIBO AT KONOTATIBO – Sa paksang ito, tatalkayin natin ang iba’t-ibang halimbawa ng denotatibo at konotatibong mga salita.
Ang denotatibong mga salita ay ang literal na kahulugan nito at makikita sa diksyonaryo.
Samantala, ang konotatibo naman ay salitang may patago na kahulugan. Heto ang mga halimbawa:
《《《《《《《《《《《《《《《《《《《
《《《《《《《《《《《《《《《《《《《
Denotatibo:
Ahas--Isang Uri ng hayop na walang paa at gumagapang.
Apoy--Isang Elementong mainit at ginagamit upang magluto o sa industriya.
Haligi--Ito ang nagsisilbing pundasyon ng mga bahay at gusali.
Larawan--Ito ay isang litrato na kinuha o ginuhit ng isang tao.
Leon--Isang hayop na makikita sa kagubatan,malakas at malaki.
Putik--Marumi at basang lupa na iniiwasan ng mga taong may puting sapatos.
Bato--Isang natural na bagay na makikita kahit saan.
Mahangin--Ito ay isang sitwasyon kung saan malakas ang ihip ng hangin.
Malalim--Tumutukoy sa kung ano kalalim ang isang bagay.
Makitid--Naglalarawan sa isang masikip na daanan o espasyo.
》》》》》》》》》》》》》》》》》》》
》》》》》》》》》》》》》》》》》》》
Konotatibo:
Ahas--Taong binigyan mo ng tiwala ngunit ika’y trinaidor.
Apoy--Naglalarawan sa matinding damdamin tungo sa isang tao, bagay, o pangyayari.
Haligi--Naglalarawan ito sa mga Ama ng tahanan.
Larawan--Tumutukoy sa katangian ng isang tao
Leon--Ito ay naglalarawan sa taong matapang at walang inuurungan.
Putik--Mga mahihirap at naghihikahos sa buhay. Sila rin ay tinawatawag na hampas lupa.
Bato--Naglalarawan sa mga taong may matitigas na damdamin
Mahangin--Tawag sa taong mayabang at malaki ang ulo.
Malalim--Ito ay naglararawan sa taong maraming iniisip tungkol sa mga problema ng lipunan
Makitid--Ito ang tawag sa taong hindi “open minded”. Sila rin ang mga taong madaling mang husga.
Explination:
#CarryOnLearning