Panuto: Basahin ang mga pahayag sa pahayag sa ibaba. Pansinin ang mga salitang sinalungguhitan. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kapag wasto ang isinasaad sa pahayag at kapag mali naman palitan ng tamang sagot ang salitang may salungguhit. 1. Ang korido ay may sukat na pitong pantig sa bawat saknong 2. Ang korido ay may tugma. 3. May mabilis na himig ang akdang korido na tinatawag na andante 4. May taglay na kapangyarihang supernatural ang mga tauhan sa tulang korido 5. Binubuo ng limang taludtod ang bawat saknong ng korido 6. Ang akdang "Florante at Laura" ay isang halimbawa ng korido, 7. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay na may sukat at tugma 8. May sukat ang korido kung pare-pareho ang bilang ng pantig ng mga salitang bumubuo sa bawat taludtod o linya ng tula. 9. Ang korido ay may himig na mabilis na tinatawag na allegro 10. Naglalaman ang korido ng pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na buhay