Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sa kumbensiyonal na pamamaraan, ang nobela ay madalas na sumusunod sa pag-unlad ng katauhan ng isang karakter. Tukuyin ang kontekstuwal na pahiwatig ng pahayag na may salungguhit.
A. orihinal at malinaw C. malikhain at maliwanag
B. maayos at detalyado D. ordinaryo sa halip na naiiba
2. Nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhan ang isang kanser na may katangiang napakalubha. Tukuyin ang ipinahihiwatig ng pahayag na may salungguhit.
A. pag-aalsa ng mga tao
B. paghihirap ng sambayanan
C. pagdaramdam ng mga Pilipino
D. pagkakaisa ng lahat ng nilalang
3. Ito ang patunay na may pagkakatulad ang pinanonood na telenobela at nababasang nobela.
A. mga lalaki ang pangunahing tauhan
B. sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan
C. parehong ineere at napanonood sa telebisyon
D. tinatalakay ang paksa tungkol sa mga bayani
4. Ito ay ang patunay na ang nobela at telenobela ay may pagkakaiba.
A. Magkaiba ang nobela at telenobela pagdating sa haba nito.
B. Ang mga tauhan sa nobela ay mas marami kaysa telenobela.
C. Mas matapang ang mga tauhan sa telenobela kaysa sa nobela.
D. Ang telenobela ay ineere sa telebisyon samantalang ang nobela ay nababasa lamang.