👤

what is sikolohiyang pilipino?​

Sagot :

Answer:

  • Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. ito ay para mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na malakiang kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
  • Noong 1960s pa lamang ay tinuturo na ang sikolohiya sa mga paaralan na may bahid ng mga Kanluranin. Sinabi ni Dr. Rogelia Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na pinagpalang mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga Kastila, gaya ng ating mga pambansang bayaning sina Dr. José Rizal at Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng pagkakaturo nito. Nakita noon ng tagapangulo noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr. Virgilio Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling maunawaan ito ng mga Pilipino.