Sagot :
Answer:
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women. Karaniwang nilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang
“The Women’s Convention” o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang
kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na kumprehensibong tumatalakay
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan, kundi gayundin
sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong 18 Disyembre
1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong 15 Hulyo
1980, at niratipika niya ito noong 5 Agosto 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasun-
duan na may pinakamaraming bansang nagratipika, umaabot na sa 180 bansa mula sa 191
signatories o State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong
3 Setyembre 1981 o 25 taon na ang nakakaraan ngayong 2006, pero kaunti pa lang ang
nakakaalam dito.