Sagot :
KATANUNGAN
Sino ang naglunsad ng isang demonstrasyon upang ipadama ang pagsuway sa kinamumuhiang Salt Act na ipinatupad ng mga British?
KASAGUTAN
Ang Salt March ni Gandhi
- Noong 1930, si Gandhi ay naglunsad ng isang demonstrasyon upang ipadama ang pagsuway sa kinamumuhiang Salt Act na ipinatupad ng mga British. Ayon sa batas na ito, sa pamahalaan lamang maaaring bumili ng asin ang mga Indian at kinakailangan din nilang magbayad ng kaukulang buwis sa pagbili nito. Upang ipakita ang kanilang pagtutol, si Gandhi at ang kanyang mga tagasunod ay naglakad ng distansiyang 240 milya patungong baybay dagat.