WRITTEN WORKS 1 LAS 1 Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon upang mabuo ang talata. ekonomiya pagkonsumo sambahayan Circular Flow serbisyo Ang (1) ay maihahalintulad sa isang sasakyan kung saan ito ay nangangailangan ng gasolina upang tumakbo, ganun din ang ekonomiya, ito ay nangangailangan ng kita Dapat ay merong kitang maipasok mula sa produkto at (2). kung saan ito naman ang nagtatakda ng mga gastusin na ginagamit rin ng ekonomiya upang lumago. Mas madaling maipaliwanag ang daloy ng ekonomiya sa pamamagitan ng Paikot na daloy ng Ekonomiya o (3) Ang paikot na Daloy ng Ekonomiya ay isang payak na paglalarawan na kinapapalooban ng dalawang pangunahing sektor, ang sambahayan (household) at ang bahay kalakal (firm). Ang (4) ay siyang nagmamay-ari ng salik ng produksyon (lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur) kung saan ito ay kinakailangan upang ang bahay kalakal ay makapag proseso at makaprodyus ng mga produkto at serbisyo na ibabalik naman sa sambahayan bilang isang (5).