Sagot :
Answer:
Para sa akin bilang isang estudyante at higit sa lahat bilang isang Pilipino ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga akda ni Rizal partikular na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay upang bigyang pagpupugay ang ating pambansang bayani. Bigyang tuon ang kagitingang kanyang ipinakita sa kabila ng mga ginawa sa atin ng mga mananakop. Una sa lahat ang mga nobela ni Rizal ang unang gumising sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino, ito ang nagdilat sa mga mata ng ating kababayan sa kung ano talaga ang nangyayari sa atin at sa inang bayan natin.