👤

GAWAIN 2: Pagbibigay kahulugan sa Matatalinghagang Pahayag
Higit na napapaganda ang pagpapahayag kapag ginamitan ng matatalinghagang salita. Tukuyin ang
kahulugan ng mga nakasalungguhit na pahayag sa ibaba Piliin sa kahon at isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel
a buhay at pagpapakasakit
b makiuso
c. mamamatay
d mapanghikayat na pananalita
e nasisinagan
f nawala sa sarili
g paggalang
h pananakit
i pang-aalipin
1 walang kalaban-laban
1. Kapag nagnanais ang barkong sumunod sa agos ng makabagong panahon, nasisiyahan na ito sa
pagkukulapol ng bagong pintura.
2. Ang bapor ay umuusad habang naliligo sa sikat ng araw na nagpapakinang sa mga alon at
nagsasayaw sa mga kawayang nasa may pampang
3. Si Don Tiburcio de Espadaña ay nasindak sa ginawa niyang pagbubuhat ng kamay sa asawa na
parang pagpatay sa magulang ang nagawa niya.
4. Isa pa'y napag-isip-isip ni Kabesang Tales na siya'y isang palayok na umuumpog sa kawaling bakal
5. Ang kaawa-awang si Tales ay namutla, umugong ang tainga, at pinagdimlan ng paningin
6. Nagmatigas si Tales at sinabing ipagkakaloob lamang niya ang kanyang lupain sa unang lalaking
didilig dito ng dugo
7. Ang kailangan ay magpanalo ng mga kaso at para magkagayon ay kailangan ang mga kaibigan,
impluwensiya, at dulas ng dila
8 Nagbalik ako upang bigyan ng huling pitagan ang isang dakilang kaluluwang sadyang namatay para
sa akin
9. Sukdulang ako'y gumamit ng luha at dugo upang kunin ko ang sadyang para sa akin
10. Nagbubuklod kayo sa pag-aakalang mapag-lisa ninyo ang Pilipinas at Espanya sa kuwintas na
rosas, ngunit ang katotohanan, kayo'y nakadenahan ng matigas pa sa bakal​


GAWAIN 2 Pagbibigay Kahulugan Sa Matatalinghagang PahayagHigit Na Napapaganda Ang Pagpapahayag Kapag Ginamitan Ng Matatalinghagang Salita Tukuyin Angkahulugan N class=