👤

sagutang papel.
1. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng
mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
2. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
3. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba't ibang epekto sa mga
bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa
mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot
nang mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng
pananakop ng mga Kanluranin
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at
dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga
produktong Kanluranin
4. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling
Panlipunan at naatasang magpresenta ng ng mga aral sa
kasalukuyan ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya at kung paano ito mapagyayaman hanggang sa hinarap. Alin ang
mas angkop na gamitin sa isang video conferencing.
A. Multimedia presentation at pagtalakay
B. Pagkukuwento at pagtatanong
C. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
D. Debate at pag uutos ng dapat gawain.
5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles
sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na ang mga kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan ng India
C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati" at "female infanticide"
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng "foot binding" at "concubinage"
6. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
C. Maaaring lumaki ang kita sa mga usaping black market
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
7. Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na
Portuges ang naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco da
Gama sapagkat nalibot niya ang "Cape of Good Hope" na siyang magbubukas ng ruta
patungong India at sa mga Islang Indies. Saang kontinente matatagpuan ang "Cape of good
Hope"? A. Aprika
B. Europe
C. Timog Amerika D. Hilagang Amerika
8. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga rekado ng mga Europeong
mananakop lalong lalo na ng Portugal at Spain.
A. Siam
B. Malaya
C. Moluccas
D. Ceylon
9. Ang France ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuha rin nito ang Louisiana
sa Amerika. Noong ika-18 siglo sa Asya nasakop ng France at naging kolonya ang mga
teritoryong sakop ng rehiyong French Indo-China. Anu-ano ang mga bansa o teritoryong sakop
ng rehiyong ito?
A. Cambodia, Thailand, at Malaysia
C. Annam, Laos, Singapore at Siam
B. Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam D. Cambodia, Burma, India, at Laos​