E Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang suliranin sa bawat bilang. Lutasin ang suliranin gamit ang Polya's 4 Step Process. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Nagsama-sama ang mga pamilyang apektado ng Bagyong Ulysses sa isang evacuation area. Tumagal nang 2 buwan at 3 linggo ang kanilang pananatili sa evacuation area bago sila nakabalik sa kani-kanilang tahanan. Ilang araw ang itinagal nila sa evacuation area? 2. Natapos ang online class ni Danny ng Ika-3 ng hapon. Kasama si Rogen, pumunta sila sa mall upang mamasyal. Nakauwi sila pareho sa kani-kanilang mga bahay sa ganap na ika-5 at 30 minuto ng hapon. Ilang minuto silang namasyal sa mall? 3. Si kino ay 6 na taong gulang. Ilang buwan ang katumbas ng kaniyang edad?