II. Tukuyin ang ipinahahayag ng mga sumusunod na pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot. Parity Rights Bell Trade Relations Act Military Assistance Agreement Rehabilitation Finance Corporation Treaty of General Relations Colonial Mentality Tydings Rehabilitation Act Neokolonyalismo Komonwelt Puppet Government 11. Kasunduang nagbigay sa Amerika ng karapatang upahan ang mga base military sa loob ng 99 na taon. 12. Ito ay ang nagpautang ng puhunan sa maliliit na mangangalakal at sa mga taong nais magpagawa ng sariling bahay. 13. Ito ay isang tadhana ng Bell Trade Act na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang likas na yaman ng bansa at sa pagpapalakad ng mga paglilingkod na pambayan 14. Ang batas na ito ay naglaan ng $620 milyon sa Pilipinas bilang bayad-pinsala at tulong sa pagsasaayos sa mga nasira noong panahon ng digmaan. 15. Ang batas na nagtakda ng pagpapatuloy ng walong taong malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at ng Pilipinas hanggang taong 1954 16. Nakapaloob sa kasunduang ito ang pagkilala ng Estados Unidos sa kalayaan ng Pilipinas at paggalang sa kapangyarihan ng pamahalaan nito. 17. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong banyaga, o mga imported at ang pagkakaroon ng mga bagay na ito ang naging batayan ng katayuan nila sa lipunan 18. Tawag sa bagong anyo ng kolonyalismo na patuloy na naitataguyodng mas makapangyarihang bansa ang kanilang interes at pagkontrol sa mas mahinang bansa. 19. Si Pangalawang Pangulong Sergio S. Osmena Sr. ang pumalit kay Pangulong Quezon bilang Pangulo ng 20. Isang mapagkunwaring pamahalaan dahil tyo ay nasa ilalim pa rin ng Hapones kahit na may pangulo sa katauhan ni Jose P. Laurel.