Sagot :
Ang korido ay isang uri ng panitikan na nasa anyong patula. Mula sa katagang Espanyol na correr na ang ibig sabihin ay dumadaloy. Ang awit ay uri ng panitikan na binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong. Ito ay may tradisyunal na tugma sa dulo. Ang korido at awit ay kapwa tulang pasalaysay.
—Hope its help po...
Korido at Awit
Ang korido ay isang uri ng panitikan na nasa anyong patula. Mula sa katagang Espanyol na correr na ang ibig sabihin ay dumadaloy. Ang awit ay uri ng panitikan na binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong. Ito ay may tradisyunal na tugma sa dulo. Ang korido at awit ay kapwa tulang pasalaysay.
Pagkakaiba ng Awit at Korido:
paraan ng pagbigkas
bilang ng pantig
saliw o kumpas
daloy ng kuwento
Ang awit ay binibigkas ng mabagal samantalang ang korido ay binibigkas naman ng mabilis.
Ang awit ay may labindalawang pantig samantalang ang korido ay mayroon lamang walong pantig.
Ang awit ay may saliw ng bandurya o gitara samantalang ang korido ay may kumpas na tulad ng martsa.
Ang awit ay may kapani - paniwalang daloy ng kuwento samantalang ang korido ay kinawiwilihan dahil sa mga mala - pantasyang temang taglay nito.
Mga Halimbawa:
Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
Korido:
Ibong Adarna ni Jose dela Cruz
Bernardio Carpio ni Jose dela Cruz