Sagot :
Answer:
Halimbawa ng demokrasya:
Ang lahat ng kasapi ay sumasali sa lahat ng gawaing political at nakikilahok sa pagtatalakay ng mga iba’t ibang usapin.
Ang mga mamamayan ay namimili o naghahalal ng kanilang magiging kinatawan sa mga gawaing pampamahalaan.
Kapag ang mga mamamayan o mga taong nasasakupan ay malayang naipapahayag ang kanilang mga saloobin at opinyon.
Ang mga tao ay may kalayaang gawin kung ano ang gustong gawin katulad ng pag-aar ng mga lupain, pagpapatakbo ng sariling negosyo, pagpuna sa mga katiwaliang nangyayari.
Ang karapatan ng bawat isa ay naipaglalaban sa isang responsableng pamamaraan .
Ang pinuno ay dapat maglingkod sa lahat ng tao nang pantay-pantay at walang kinikilingan.
Walang taong nangingibabaw sa batas. Lahat ay pantay-pantay sa ilalim ng batas maging anuman ang katayuan ng tao sa buhay.
Ang isang bansa o lugar ay binibigyan ng pantay na karapatan at pagkakataon sa lahat ng tao, mayaman man o mahirap, malusog o may sakit, kilala o hindi. Iginagalang ng demokrasya ang dangal at karapatan ng isang tao.
Ang pasya ng nakararami ang nananaig para sa lahat.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Ibig Sabihin ng Demokrasya: brainly.ph/question/59829
#LetsStudy
Pa brainlies po pls