👤

Ang ama ng tahanan din ang siyang nagbibigay ng pinansyal na pangangailangan ng kanyang pamilya. Noong unang mga panahon, lalake lamang ang may karapatang maghanap-buhay o magtrabaho. Ngunit sa modernong panahon ngayon, maging ang ina ng mga tahanan ay inaasahan narin na maghanap-buhay upang matustusan ang kanilang pinansyal na pangangailangan sa pang araw-araw.