TIMELINE NG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO
PAGLISAN NI RIZAL SA PILIPINAS
PAGKABUO NG NOBELA NI RIZAL
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
PANIMULA NG ISTORYA
MGA NANGYARI SA KAMAG ANAK NI RIZAL PAGKATAPOS NG KANYANG PAGLISAN
ANG PAGLISAN NIYA SA PILIPINAS AY NOONG PEBRERO 3, 1888
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
LUMISAN SIYA SA PILIPINAS ISANG TAON PAGKATAPOS NG PAGPUNTA NIYA SA SARILI NIYANG BAYAN
NANGYARI ITO NOONG OKTUBRE 1887
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
NATAPOS ANG PANGALAWANG NOBELA NI RIZAL NOONG SETYEMBRE 18,1891