Gawain # 5
A. Panuto:
Basahin ang tula. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Pag-asa
ni Ludivina B. Bauzon
Sa bawat pagsubok na darating sa buhay
Pag-asa'y huwag hayaang, sa'yo ay mawalay
Sa puso't isipan mo'y laging ikintal,
May Ama sa langit na sa ati'y nagmamahal.
Cat
Di kita iiwan, ni pababayaan man,
Yan ang mga pangakong, sa ati'y binitawan,
Gaano man kahirap ang pinagdaraanan
Tiyak na sa tulong Niya, ito'y malalampasan
Kaya't halina, aking kaibigan
Tiwala sa Diyos ay iyong ilaan.
Sa kanya ilagak, ang iyong kabalisahan
Upang kapayapaan ay iyong maranasan.
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Sino ang tinutukoy sa tula na maaaring tumulong sa atin sa ating mga
suliranin sa buhay?
3. Ano ang maaari nating gawin para maging magaan ang ating loob sa mga
problemang dumarating sa atin o sa ating pamilya?
4. Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos?
5. Paano mo maipakikita ang pagtitiwala mo sa Diyos?
![Gawain 5A PanutoBasahin Ang Tula Sagutin Ang Mga Tanong Sa IbabaPagasani Ludivina B BauzonSa Bawat Pagsubok Na Darating Sa BuhayPagasay Huwag Hayaang Sayo Ay Ma class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d2e/3642375ac32e3ecaaf412c40a60db84e.jpg)