Isulat ang patlang ang salitang TAMA kung nagsasaad ng tamang gawain at MALI kung hindi 1. Ang pagsunod sa mga patakaran sa paggawa ng isang gawain ay nagpapabuti ng iyong sarili. 2. Nagpapalusog sa isang tao ang pagsasagawa ng mga pisikal na aktibidad. 3. Ang pakikipaglahok sa mga pisikal na aktibidad ay hindi kailangan sa ating katawan. 4. Nagdudulot ng kapahamakan ang hindi pagsunod sa mga patakaran. 5. Ang pangkatang pagsasagawa ng mga gawain ay hindi nakakatulong. 6. Ang pag-upo at paghiga ng buong araw ay walang mabuting naidudulot sa ating katawan. 7. Ang pagsasayaw ay isang uri ng komunikasyon at isa sa epektibong paraan ng pagpapahayag ng damdamin. 8. Teamwork, kooperasyon at respeto ang magandang asal na matutunan sa pagsasayaw. 9. Isang halimbawa ng Cardiovascular Endurance ay ang pagsasayaw. 10. Ang pagsasayaw ay nakakatulong sa paglinang ng kakayahang pangkatawan 11. Sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan sa pagsasayaw para maiwasan ang aksidente,maipakita ang emosyon sa pagsayaw at para maganda ang kalabasan ng sayaw. 12. Nagiging matamlay at sakitin ang isang taong mahilig sumayaw.