WORKSHEET (WEEK 1-2) PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. A. Pangalagaan o tulungan ang ibang tao. B. Isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi, o maparusahan. C. Upang sadyang makasakit ng kapawa. D. Protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao. 1. Ipinagkakalat ni Cheska na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. 2. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya. 3. Si Angelo ay madaldal sa klase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase. 4. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase at hindi nakapagpaalam, ginabi kayo ng uwi. Nagsinungaling ka at sinabi mong gumawa kayo ng proyekto upang hindi ka mapagalitan.