Sagot :
Answer:
KAHULUGAN NG BALAKID
• Ang ibig sabihin ng balakid ay hadlang o humahadlang, harang, sagabal sa isang gawain, plano o hakbang ng isang tao o grupo.
Sagabal- mga balakid o humaharang sa ginagawa ng isang tao kaya hindi niya ito makamit o mapagtagumpayan.
Harang- Kapag may harang ibig sabihin ay hindi makalusot ang isang tao sa gusto niyang puntahan o hindi siya makapasok.
Balakid- mga bagay na maaring makaharang sa tagumpay o ninanais ng isang tao. Mga hadlang sa isang panyayari upang hindi ito tuluyang maganap.
Paano gamitin ang salitang balakid sa mga pangyayari o pangungusap
1. Ang kahirapan ay hindi naging balakid upang siya ay hindi makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho.
2. Ang kanyang ina ang naging balakid kung kaya hindi siya naging isang doktor.
3. Ang kanyang kasintahan ang naging balakid kung bakit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.
4. Ang COVID19 ang naging balakid sa mga mag-aaral na magkaroon ng celebrasyon ng graduation sa taong panuruan 2019-2020.
5. Dadaong na sana ang Cruise Ship sa isang pier sa EUROPA at bababa na ang kanilang mga pasahero ngunit dahil nagkaroon ng COVID19 ngunit naging balakid sa kanilang pagbaba ang dami ng mga taong nagpositibo sa virus na ito.
6. Ang COVID19 ang naging balakid sa maraming mga Pilipino ang hindi makapagtrabaho dahil sa ipinatupad na Lock down ng pamahalaan.