👤

3. Bakit kailangan isaalang-alang ang pagpili ng paksa sa pagsasagawa
ng pananaliksik?​


Sagot :

Answer:

Pagpili ng paksa

Ang pagpili ng paksa ay ang isa sa mga unang hakbang sa pananaliksik. Dahil dito, mahalaga na magkaroon ng maayos na paksa upang maging maganda ang takbo ng magiging pananaliksik. Maraming paraan ng pagpili ng paksa, marami ring paksa ang maaaring pagpilian.

Mga dapat isa-alang alang sa pagpili ng paksa

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga bagay na dapat isipin o isa alang alang sa pagpili o bago pumili ng paksa sa pananaliksik:

Sakop ng paksa - kailangang maging specific ang paksa na ating pipiliin. Halimbawa, hindi sapat na pumili ng paksa ukol sa kabataan at sa halip, dapat ay pumili ng mas pino tulad ng "Ano ang epektibong hakbang sa pag aaral ng kabataan sa paksa ng Calculus?"

Timeliness ng paksa - ang paksa ba ay bago o hindi kaya ay dati na? Halimbawa, ang Covid 19 ay laganap sa panahon ngayon kung kaya't ang anumang pananaliksik na may kinalaman dito ay magandang piliin

Mga kagamitan o materyales - ikaw ba ay may sapat na kagamitan o aklat para sa paksa?

Mga taong maaaring pagtanungan - marami bang tao ang maaari mong pagtanungan ukol sa paksa?

Explanation:

Answer:

Sa pagpili ng paksa may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ngmaayos ang gagawing pananaliksik at ito ay

1 Kasapatan ngdatos, Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mongpaksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa,maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.

2Limitasyon ng pag-aaral , ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggangkailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindikayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabangpanahon para maisakatuparan.

3Kakayahang Pinansyal ,sa pagpili ng paksa,dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal.

Explanation: