Sagot :
Answer:
Ang isang aktibong mamamayan ay tumutukoy sa mga taong palaging nakikiisa sa mga programa na mayroon sa bansa. Mahalaga na maging aktibo tayo upang mapabuti ang ating sarili. Ito rin ay nagdudulot ng kaunlaran sa bansa. Ito ay susi sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Higit sa lahat, ito ay nagpapakita ng pagmamahal natin sa kapwa.
Mga katangian ng aktibong mamamayan
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga katangian ng isang aktibong mamamayan
1. Nakikilahok sa mga programa ng pamahalaan
2. Nanood ng balita upang malaman ang kaganapan sa ating bansa
3. Nakikiisa sa mga programa para sa karapatan ng ating kapwa
4. Aktibong pagvolunteer sa mga institusyon tulad ng DSWD
5. Nag aaral nang mabuti upang makapagtrabaho sa ating bansa
6. Nagbabayad ng tamang halaga ng buwis
7. Tumutulong sa kapwa sa lahat ng pagkakataon
8. Nakikinig sa mabuting salita ng Diyos at isinasabuhay ito
9. Nagtatanong sa pamahalaan ng programa nito para sa ating bansa
10. Ang aktibong mamamayan ay ibinabahagi ang kaalaman sa ating kapwa
SANA NAKATULONG